22 𝔓𝔦𝔫𝔬𝔶 𝔇𝔢𝔩𝔢𝔤𝔞𝔱𝔢𝔰, 𝔎𝔞𝔟𝔦𝔩𝔞𝔫𝔤 𝔞𝔫𝔤 17 𝔄𝔩𝔨𝔞𝔩𝔡𝔢, 𝔖𝔱𝔯𝔞𝔫𝔡𝔢𝔡 𝔰𝔞 ℑ𝔰𝔯𝔞𝔢𝔩 𝔐𝔞𝔱𝔞𝔭𝔬𝔰 𝔞𝔫𝔤 𝔐𝔦𝔰𝔰𝔦𝔩𝔢 𝔖𝔱𝔯𝔦𝔨𝔢𝔰!🇵🇭🇮🇱
22 𝔓𝔦𝔫𝔬𝔶 𝔇𝔢𝔩𝔢𝔤𝔞𝔱𝔢𝔰, 𝔎𝔞𝔟𝔦𝔩𝔞𝔫𝔤 𝔞𝔫𝔤 17 𝔄𝔩𝔨𝔞𝔩𝔡𝔢, 𝔖𝔱𝔯𝔞𝔫𝔡𝔢𝔡 𝔰𝔞 ℑ𝔰𝔯𝔞𝔢𝔩 𝔐𝔞𝔱𝔞𝔭𝔬𝔰 𝔞𝔫𝔤 𝔐𝔦𝔰𝔰𝔦𝔩𝔢 𝔖𝔱𝔯𝔦𝔨𝔢𝔰!🇵🇭🇮🇱

UPDATE: Isang grupo ng 22 Filipino delegates, kabilang ang 17 lokal na opisyal tulad ng mga alkalde, ang nananatiling stranded sa Israel. Ito ay matapos isara ang airspace at mga paliparan dahil sa retaliatory missile strikes ng Iran.
Kinumpirma ito ng Ambassador ng Israel sa Pinas na si Ilan Fluss nitong Martes, Hunyo 17, 2025.
Ayon kay Ambassador Fluss, ang grupo ay nasa Israel para sa isang study visit tungkol sa dairy farming, sa ilalim ng programang inisponsor ng gobyerno ng Israel. Tiniyak niya na ligtas ang lahat ng miyembro ng delegasyon, may maayos na tirahan, at tumatanggap ng buong tulong.
Kabilang sa mga na-stranded sina:
- Barugo, Leyte Mayor Aron Balais
- Lawaan, Eastern Samar Mayor Athene Mendros
- Hindang, Leyte Mayor Betty Cabal
Sinabi ng ambassador na nakikipag-ugnayan ang Israel sa mga rehiyonal na pamahalaan upang masiguro ang travel permits at posibleng exit routes, kabilang ang sa pamamagitan ng Jordan.
Sa isang mensahe sa mga reporter sa Tacloban, ibinahagi ni Mayor Balais na sila ay nagtatago sa isang bomb-proof bunker at umaasa na makakalabas nang ligtas bago ang kanilang nakatakdang pagbalik sa Hunyo 20.
Patuloy nating ipagdasal ang kaligtasan at agarang pag-uwi ng ating mga kababayan!
#FilipinoDelegates #Israel #IranIsraelConflict #Stranded #PHinIsrael #SafetyPH #WorldNews #PrayForPeace #KadunongInternetTV
#AJ13VLOG
Comments
Post a Comment